PUMANAW na si Rene Garcia, kilala ng marami bilang ang lead guitarist ng iconic Filipino band na Hotdog, nitong Linggo, sa edad na 65.

Rene Garcia

Rene Garcia

Binawian ng buhay si Rene bandang 6:20 ng gabi makaraang atakehin sa puso, batay sa media reports ay sinabi ng kapatid niyang si Dennis Garcia.

Sa isang Facebook post, nag-upload si Dennis ng slideshow ng mga larawan ni Rene sa saliw ng “new original, Hotdog song” na Sana Naman.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“The very last collaboration with my exceptionally gifted brother Rene Garcia. It was a hell of a ride, tol… I will miss you like hell,” caption ng post.

Binuo ng Garcia brothers ang Hotdog noong ‘70s kasama ang babaeng lead singer na si Ella del Rosario. Sila ang pasimuno ng Manila Sound gamit ang kanilang hits na Pers Lab, Bongga Ka Day, Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko, at Bitin Sa ’Yo, na nakasama pang kumanta ng vocalist si Rene.

May duet din sina Ella at Rene ng Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay sa harap ng mga dayuhang manonood, sa proclamation ceremonies ng Miss Universe pageant na ginanap sa Folk Arts Theater sa Manila noong Hulyo 1974.

Nagpahayag naman ng kanilang pakikiramay ang mga katrabaho ni Rene sa industriya.

Post ng singer na si Richard Merk sa Facebook: “This is so sad. The music industry just lost a great talent. And I lost a good friend. I will miss you Rene Garcia of ‘Hotdog.’ Tagal mag-sink in sa akin pre! I am a huge fan of yours. The songs you wrote, ibang klase ka Rene!… Rest in heavenly place my dear friend.”

-REGINA PARUNGAO