YANGON (Reuters) – Nanawagan kahapon ang 76 na civil society groups sa Myanmar na palayain ang dalawang ikinulong na Reuters reporters, kinondena ang pagsasakdal sa kanila na hindi patas at pag-atake sa right to freedom of information.

Nitong Lunes, sinabi ng korte na nagkasala ang dalawang mamamahayag ng paglabas sa batas sa state secrets at hinatulang makulong ng pitong taon sa makasaysayang kaso na itinuturing na pagsubok sa demokrasya sa Myanmar, na pinamunuan ng military junta hanggang 2011.

Iniimbestigahan nina Wa Lone, 32, at Kyaw Soe Oo, 28, ang mga pagpatay sa mga mamamayan mula sa Rohingya Muslim minority ng security forces at mga sibilyan nang sila ay arestuhin noong Disyembre. Sumumpa silang notguilty.

“The entire trial process was neither free nor fair and was completely manipulated,” saad sa joint statement ng grupo, kinabibilangan ng youth, educational at peace organisations, na ipinaskil sa Twitter.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture