NABAHIRAN ng kalungkutan ang inihahanda sanang pagdiriwang sa pagdating ng Team Philippines mula sa Asian Games sa pagpanaw ni Olympian Ian ‘Yan-Yan’ Lariba.

Rio table tennis Olympian Lariba, pumanaw sa edad na 23

Rio table tennis Olympian Lariba, pumanaw sa edad na 23

Sa edad na 23, sumakabilang-buhay nitong Lingo ang tanging Pinoy table tennis player na nakapaglaro sa Olympics nang magkwalipika siya sa 2016 Rio Games sa Brazil bunsod ng sakit na leukemia.

Wala pang pormal na pahayag ang pamilya ni Lariba, tanging table netter na nagwagi sa UAAP na walang talo at tinanghal na Player of the Year sa premyadong collegiate league sa bansa nang magkasunod na season, ngunit kinumpirma ng Philippine Table Tennis Federation, Inc. ang kanyang biglang pagyao.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

“With heavy hearts, we mourn the loss of our star, our first ever olympian, arguably the greatest Filipina table tennis player of all time Ian Lariba. From her days as a table tennis prodigy, and at such young age winning all of the tournaments she joined, to her storied UAAP career, where she never lost a single match while winning UAAP Athlete of the year twice, to being a constant fixture in the DLSU deans list during her playing days, to qualifying for the Olympics, to battling cancer, she was a fighter and true table tennis ambassador and she put table tennis in the newspaper television & social media map, a sport which was not given much importance before in our country. Our sympathies and prayers are with her family,” pahayag ni PTTF president Ting Ledesma.

Kaagad na bumuhos ang pagdadalamhati at pakikiramay sa pamilya ni Lariba nang magsimulang ma-post sa social media ang malungkot na balita.

“Our deepest condolences to the family of Olympian and Table Tennis national athlete Yanyan Lariba who passed away tonight after a brave fight against cancer. You are truly loved and shall be greatly missed,” pahayagng Philippine Sports Commission sa kanilang Twitter account.

Kaagad ding nagpa-abot ng pakikiramay si PSC Chairman William Ramirez sa pamilya at kaagad na ipinag-utos ang pagsasaayos para sa isang misa at pagkilala sa ayaning atleta.

“Sad, sad day for Philippine sports. We mourn the passing away our star and first Olympian in table tennis Ian Lariba. Rest in peace Yanyan,” pahayag ni PSC Commissioner Charles Maxey.

Nalagay sa mapa ng mundo ng table tennis ang Pilipinas nang makakuha nang sapat na puntos si Lariba para makalaro sa Rio Olympics noong 2016. Hindi man nakapasok sa medal round, ang pagkakaroon ng pagkakataopn na makasabak sa Olympics ay isang nang tagumpay hingit sa sa sports na halos hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ng sambayanan.

Ngunit, matapos ang kampanya sa Rio de Janiero, isinugod sa ospital ang premyadong netter mula sa La Salle University noong Mayo kung saan na-diagnosed ang sakit niyang leukemia.

Nagtuulong-tulong ang sports community para makalikom na sapat na pondo para sa kanyang pagpapagamot at nitong Nobyembre ay sumailalaim siya sa bone marrow transplant, ngunit nitong Agosoto 16, ibinalik siya sa ospital bunsod, hanggang sa kanyang pagpanaw.

Bilang pambato ng La Slle, nakamit ng eskwelahan ang UAAP title sa table tennis sa tatlong sunod na season ta nagging MVP noong Season 77 at 78.

Sumabak siya sa Hong Kong tournamnent kung saan nakuha niya ang sapat na puntos para makalaro sa Olympics. Bunsod ng kanyang makasaysayang tagumpay, siya ang inihalal na flag-bearer ng Philippine flag sa Rio Games noong 2016.