NAPAPANOOD na ang Afternoon Prime ng GMA-7 na My Special Tatay simula kahapon, kung saan gumaganap si Lilet bilang si Isay, ang ina ni Boyet (Ken Chan), na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.

Lilet at Ken

Ang ganda ng mga eksena nina Lilet at Ken. Halimbawa nang sabihin ni Boyet (Ken) na tatay na siya habang karga ang bagong silang na baby. Isama rin ang eksena nang tanungin ni Boyet ang ina kung paano sinabi ng tatay niya na mahal nito si Isay.

Kuwento ni Lilet, marami pang eksena sa My Special Tatay na magpapaiyak sa viewers.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

May ipinost si Lilet na photo nila ni Ken: “In real life I only have 1 child. Pero marami rami na rin akong naging anak sa acting roles ko in my job. I feel blessed dahil lahat sila naging magagalang at mababait sa akin. And guess what, may bago na naman akong anak! Pasado na ba ang look as the mom of Ken Chan? Please support our new show My Special Tatay.”

Si LA Madridejos ang direktor ng My Special Tatay at kasama siya ni Ken sa immersion ng aktor para mas maintindihan niya ang kaso ng mga taong may kaparehong karamdaman.Favorite pala si Lilet ng mom ni Ken, at sabi ni Ken, nagpaalam na ang nanay niya na dadalaw sa taping para makita nang personal si Lilet. Ang lola naman ni Ken, si Carmen Soriano ang favourite, kaya dadalaw din ito sa taping kapag may eksena sina Ken at Carmen, na gumaganap na lola ng karakter ni Ken sa My Special Tatay.

-Nitz Miralles