KABUL (AFP) - Namatay ang tagapagtatag ng Haqqani network, isa sa pinakaepektibo at kinatatakutang militanteng grupo sa Afghanistan, matapos ang matagal na pagkakasakit, ipinahayag ng kanilang affiliates na Afghan Taliban nitong Martes.

Pumanaw si Jalaluddin Haqqani, na ang anak na si Sirajuddin Haqqani ang ngayo’y namumuno sa mabagsik na grupo at deputy leader rin ng Taliban, ‘’after a long battle with illness’’, ipinahayag ng Taliban sa Twitter. Inilarawan si Jalaluddin na ‘’ among the great distinguished Jihadi personalities of this era.’’

Noong 1980s ang pinuno ng Haqqani ay isang Afghan mujahideen commander na lumalaban sa pananakop ng Soviet sa Afghanistan sa tulong ng US at Pakistan.

Nakilala siya dahil sa kanyang samahan at katapangan, napansin ng CIA at personal na binisita ni US congressman Charlie Wilson.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Bihasang magsalita ng Arabic, nakipag-alyansa rin si Jalaluddin sa Arab jihadists, kabilang si Osama Bin Laden, na dumagsa sa rehiyon sa panahon ng digmaan. Kalaunan siya ay naging minister sa rehimeng Taliban.

Hindi malinaw kung kailan at saan siya namatay. Nitong mga nakaraang taon ay ilang beses na siyang ibinalitang namatay.

Ang Haqqani network ang sinisisi sa mga nakamamanghang pag-atake sa Afghanistan simula ng US invasion. Pinaniniwalaang sila ang nasa likod ng maraming pag-atake kamakailan sa Kabul na inako ng lokal na sangay nitong Islamic State group.

Idineklarang teroristang grupo ng US, kilala ang Haqqani sa paggamit ng suicide bombers.