KALIBO, Aklan - Simula sa Oktubre ay pansamantalang ipatitigil ng National Irrigation Administration (NIA) ang irigasyon sa Aklan para sa anim na buwang rehabilitasyon nito.

Ayon kay Manuel Olanday, regional technical director ng Department of Agriculture (DA), sapat naman ang supply ng bigas sa buong Western Visayas, kasama na ang Aklan.

Aniya, kaya lang mataas ang presyo ng bigas sa merkado ay dahil karamihan sa mga ibinebenta sa ngayon ay galing sa mga pribadong magsasaka.

Sinabi ni Olanday na isasailalim sa rehabilitasyon ang mga irigasyon para mapalakas ang produksiyon ng mga magsasaka sa Aklan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Jun N. Aguirre