Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- National U vs FEU (men’s)

Laro sa Setyembre 9

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

2:00 n.h. -- UST vs Adamson (for third) - women’s

4:00n.h. -- FEU vs UP (best-of-three for crown) - women’s

GINAPI ng third seed Far Eastern University ang second seed University of Santo Tomas,19-25, 25-18, 25-22, 25-17 upang umusad sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Collegiate Conference nitong Linggo sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ginamit na sandata ng Lady Tamaraws ang solido nilang blocking at sinamantala ang naging erratic na pagtatapos ng Tigresses na pinasadahan nila ng huling limang puntos ng laro kabilang ang isang drop shot ni Kyle Negrito at back-to-back kills ni Jerrili Malabanan.

Tumapos si Malabanan na may 10 puntos para pangunahan ang nasabing upset na naghatid sa kanila sa finals na magsisimula sa Linggo-Setyembre 9.

Nauna rito, nagising si Isa Molde mula sa naunang dalawang malamya nyang laro matapos magposte ng 27-hit performance upang giyahan ang University of the Philippines sa 25-19, 29-27, 20-25, 25-20 paggapi sa top seed Adamson University at makumpleto ang showdown ng mga lower seeded teams sa finals.

Si Molde na umiskor lamang 8 at 9 puntos noong unang dalawang laro ng semis ay nag deliver sa panahong kailangang kailangan sya ng Lady Maroons.

“We’re very happy that we got what we wanted,” ani Molde.

-Marivic Awitan