JERUSALEM, Israel – Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na tulungan ang bansa sa pamamagitan ng pagpili ng mahuhusay na senatorial candidates sa eleksiyon sa susunod na taon.

WELCOME, MAHAL NA PANGULO! Hawak ang mga flaglets ng Pilipinas at Israel, sinalubong ng mga miyembro ng Filipino community sa Jerusalem si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa bansa nitong Linggo. (AFP/MENAHEM KAHANA)

WELCOME, MAHAL NA PANGULO! Hawak ang mga flaglets ng Pilipinas at Israel, sinalubong ng mga miyembro ng Filipino community sa Jerusalem si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa bansa nitong Linggo. (AFP/MENAHEM KAHANA)

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Jerusalem, Israel kahapon, hinikayat ni Duterte ang mga botante na huwag piliin ang mga pulitikong walang alam kundi ang magpabango ng pangalan sa pulitika.

“Congressman puwede kayong mamili maski sino, pero ‘yung mga senator lalo na, tutal malayo naman sa inyo, choose the best,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ni Duterte sa entablado sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Special Assistant to the President Christopher Go, na usap-usapang target manungkulan sa Senado. Gayunman, sinabi ni Duterte na hindi sila ang tinutukoy niya dahil marami pang tatakbo sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

“Ngayon hindi ako magsabi na sila ‘yon. Marami pang Pilipinong dadating diyan na tatakbo pero please naman, maawa naman kayo sa bayan ninyo,” sabi ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, mayroong mga senador na walang alam kundi punahin ang pagkakamali ng ibang tao. Gayunman, hindi niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutuloy.

“Makikita mo naman ‘yon kung anong ginagawa nang iba. Gawin mo dito, mali ka. Gawain mo ito dito, mali ka. Saan mo ako gustong pumunta?” aniya.

Pangunahing kritiko ng pangulo ang dalawang opposition senators na sina Antonio Trillanes IV at Leila de Lima, na kasalukuyang nakakulong sa drug charges.

-Argyll Cyrus B. Geducos