ANG World Championship of Performing Arts (WCOPA) gold medalist na si Aljun Cayawan ang pinakabagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic products.
Sa kanyang pagharap sa media, kita sa mukha ni Aljun ang hindi maipintang kasiyahang nadarama niya dahil endorser na ngayon ang tinaguriang Prince of Manobo ng Agusan del Sur.
“Masaya po ako sa sobrang suportado ako, actually hindi lang po ng Manobo tribe, kundi lahat po ng katutubo sa Pilipinas. After winning WCOPA, hindi lang mga Manobo ang naging proud, kundi ibang katutubo mula Luzon, Vizayas at Mindanao [ang] nag-message sa akin,” bungad ni Aljun.
Ikinuwento rin ni Aljun na nagawa niyang makapag-uwi ng karangalan para sa bansa sa katatapos na WCOPA sa Las Vegas.
“Wala po, sad to say wala po akong formal training sa pagkanta. Ang lola ko lang po ang nag-train sa akin,” pagmamalaki ni Aljun.
Pero bukod pala sa pagkanta, nais ding subukan ni Aljun ang pag-arte. Kaya naman sa nasabing presscon ay pasimple na siyang nanawagan sa idolo niyang si Coco Martin para iparating ang pagnanais niyang makasama sa cast ng FPJ’s Ang Probinsiyano.
“If Coco Martin is hearing this, if mabigyan man ako ng chance, why not? Kasi Ang Probinsiyano kasi tipikal na palabas na ipinapakita ang mga nangyayari sa paligid at isa akong probinsyano,” bida pa ni Aljun.
“Isang karangalan na maibahagi ang kultura namin at tradisyon, kasi may nagsabi sa akin na ‘kawawa kaming mga Manobo’ kasi napag-iiwanan na ng ibang tribo. Malaking tulong din po lalo na para sa mga batang Manobo kung makikilala po ang tribo,” sabi pa ni Aljun.
-Ador V. Saluta