ANNAPOLIS, Md. (AP) — Inihatid sa kanyang huling hantungan si Sen. John McCain nitong Linggo sa U.S. Naval Academy na natatanaw ang Severn River, at sa tabi ng kanyang matalik na kaibigan.

Isang karwahe na humihila sa kabaong ng senador ang sinundan ng mga nagluluksa mula sa chapel ng academy hanggang sa sementeryo nito kasunod ang private service. Kabilang ang biyuda ng senador na si Cindy, at kanyang mga anak sa mga naglakad sa likod ng kabaong. Nakiisa sa kanila ang mga kaibigan at kamag-anak gayundin ang mga miyembro ng Class of 1958 ni McCain, military leaders at academy midshipmen.

Dakong 4:00 ng hapon isang military aircraft ang lumipad para parangalan ang Navy pilot na limang taong naging prisoner of war sa Vietnam.

Matapos alisin ang American flag mula sa kabaong, idinampi ni Cindy McCain ang kanyang pisngi at niyakap siya ng mga anak na sina Jimmy at Jack.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pribado ang libing alinsunod sa mga kahilingan ni McCain, ang Arizona Republican at 2008 presidential nominee na namatay noong Agosto 25 dahil sa brain cancer sa edad na 81-anyos.

Inihimlay si McCain sa tabi ng kanyang best friend mula pa noong sila ay nasa Annapolis, si Chuck Larson, na namatay noong 2014. Sina Larson at McCain ay roommates habang nasa navy flight school, at si Larson ay naging second-youngest admiral sa kasaysayan ng navy history at academy superintendent.

Si McCain, lifelong rebel na nagtapos nang kulelat sa kanilang klase ay umalis kalaunan sa militar at sumabak sa politika. Kinatawan niya ang Arizona sa US Congress sa loob ng 35 taon. Dalawang beses siyang nabigo sa pagtakbong pangulo, noong 2000 at 2008.