POSITIBO pa rin ang pananaw ng dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia na maaayos ng gobyerno ang isla ng Boracay.
May maliit na negosyo si Kiko at kanyang pamilya sa isla at naapektuhan ito ng closure nito na nagsimula noong Abril.
Sa Oktubre 26, kung hindi magbabago ang plano, ay muling bubuksan sa publiko ang Boracay at umaasa ang dating host ng Born To Be Wild ng GMA Network, gayundin ang iba pang mga negosyante, na sana ay magtuluy-tuloy na ito para sa kumita ang kanilang kabuhayan.
“We couldn’t be happier in Boracay. Actually mas competitive sa Boracay. ‘Yung business naming hotel, ang mga hotel doon, magkakatabi. Ours is just a humble hotel. B & B, Air BNB style. We have six rooms and then plus two more for backpackers. It’s challenging. The best outcome is we actually have more time for the family. When I have projects here in Manila, or our projects sa Victory Liner, I come here. We do our projects. After everything, balik sa isla ulit,” kuwento ni Kiko nang huli namin siyang makausap.
Sa Vlog naman ni Kiko na kanyang ipinost sa kanyang Youtube channel bago ang pagsasara ng Boracay, aniya, “‘Yung place naming sa Coco’s Place medyo nabawasan ‘yung booking namin and is not doing well.”
Samantala, bilang ambassador ng Victory Liner (VL) at endorser ng Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card Corporation (MCC), hinihikayat ni Kiko na mag-avail ng first-ever Piso Trip seat sale promo na eksklusibo para sa mga VL Premier Prepaid Visa cardholders.
Ayon pa rito, mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 3, lahat ng mga cardholder ng VLP Prepaid Visa na nag-book ng bus tickets online sa www.victoryliner.com, para sa Cubao-Baguio route (2:00 p.m. trip) at Cubao-Olongapo route (12:00 p.m.) sa Setyembre 10-16, ay sisingilan lamang ng P1.00.
Para makapag-avail ng Piso Trip, kailangan lamang ng cardholders na lagyan ng load ang kanilang VLP Prepaid Visa Card, at pumunta lamang sa website na www.victoryliner.com para makapag-book at gamitin ang card para magbayad.
Ang mga loading station ng VLP car ay matatagpuan sa SM malls, Robinsons malls, National Book Store, Family Mart, RD Pawnshop, H Lhuillier, Express Pay, Petron Treats, major Victory Liner bus terminals at sa higit 3,000 pang ECPay merchant partners nationwide.
-LITO T. MAÑAGO