BOOM ang tourism sa ating bansa, na ayon sa Department of Tourism (DoTr) ay umabot na sa mahigit pitong milyong foreign tourists ang bumisita sa Pilipinas noong 2017. Isa sa nakatulong sa ating tourism ay iyong maraming Pilipino ang bihasang magsalita ng English, kaya hindi problema ang pakikipag-usap natin sa mga taga-ibang bansa.

Hiro

Ito ang isa sa naging isnpirasyon ni Hiro Nishiuchi, isang traveller mula sa Japan, na i-explore ang kagandahan ng Pilipinas. Si Hiro ay isang actress at model sa TV, magazines and advertisements, sa Japan at internationally. Mahilig siyang magtravel at nagawan na niya ng libro ang mga biyahe niya sa mahigit 30 bansa. Mahilig siyang mag-scuba diving at kumuha na rin siya ng license ng pagiging scuba diver.

Nanalong first runner-up si Hiro sa Miss Universe Japan noong 2014. Natutunan ni Hiro ang pag-aalaga sa sarili at mag-inspire sa iba kaya mas pinalawak pa niya ang kanyang career internationally.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2014 ay naging part siya ng promotional activity ng Philippine Department of Tourism kaya narating niya ang Cebu, Bohol, Coron in Palawan, Iloilo at Manila. Noon ay lubos niyang nakilala ang kabaitan ng mga Pilipino at ang pagiging hospitable nang mag-stay siya sa bansa. Doon na niya sinimulang ipakilala ang Pilipinas sa mga kapwa niya Japanese. Kamakailan, noong Hunyo 24, 2018, opisyal nang itinalaga si Hiro bilang Philippine Tourism Fun Ambassador.

Ang kanyang advocacy is to “Promote Fun in the Philippines through International Conversations” para hikayatin at ipakilala sa mga tao ang ganda ng Pilipinas, na kanyang ikinakatawan. At dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas, nag-aaral na siyang magsalita ng Tagalog para hindi siya mahirapang makipag-usap sa mga Pinoy.

Maganda si Hiro ay at maganda rin ang boses niya. Biniro nga naming siya kung wala siyang balak subukan ang showbusiness dito sa bansa. Ngumiti siya at kung may chance daw ay gagawin niya. Ilan sa mga activities na gagawin ni Hiro ay ang fun run sa Cebu at lalahok din siya sa isang fashion show sa Japan, habang suot ang ating Filipina terno na gawa sa pina cloth, at hinabi rito sa bansa.

-NORA V. CALDERON