Kulong at nanganganib na masibak sa trabaho ang isang traffic enforcer nang mahuli sa pot session, kasama ang 10 pang indibiduwal, sa Caloocan City, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Police Supt. Ferdie Del Rosario, assistant chief ng deputy chief of police for operation (DECOPO) ng Caloocan Police Station, ang mga suspek na sina Joiegie Amistoso, 38, traffic enforcer; Renato Lopez, 65; Erickson Dapuran, 29; Ronaldo Castro, 20; Regie Iandaros, 16; Tommy Bernil, 21; Elizardo Rodriguez, 43; Michael Christopher, Biliary, 32; Rigelio Capistrano, 53; Jimmy Ymasa, 40; at Michael Cacation, 35, pawang residente ng Barangay 176, Caloocan City.

Ayon kay Del Rosario, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3, dakong alas 5:58 ng gabi.

Lumapit sa kanila ang isang concerned citizen at sinabing may nagpa-pot session sa bahay ni Lopez sa Phase 4, Package 6, Block 14, Lot 3, Bgy. 176 ng nasabing lungsod.

National

Pepito, itinaas na sa ‘typhoon’ category; Ofel, ibinaba naman sa ‘severe tropical storm’

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang sinabing address at nahuli sa akto ang mga suspek na bumabatak.

Nakuha sa mga suspek ang isang pakete na may bahid ng hinihinalang shabu, dalawang aluminum foil, tatlong disposable lighter, at tatlong pakete ng umano’y shabu.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag s a RA 9166 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Orly L. Barcala