Sugatan ang tatlong katao sa salpukan ng cement mixer truck at kotse sa Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw.

BUMALANDRA Tumagilid ang cement mixer truck matapos makasalpukan ang isang kotse sa Bgy. Dolores Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw. Sugatan ang mga driver ng naturang sasakyan at ang pahinante ng truck. (ALVIN KASIBAN)

BUMALANDRA Tumagilid ang cement mixer truck matapos makasalpukan ang isang kotse sa Bgy. Dolores Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw. Sugatan ang mga driver ng naturang sasakyan at ang pahinante ng truck. (ALVIN KASIBAN)

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nagbanggaan ang dalawang behikulo sa isang kurbadang bahagi ng Ortigas Avenue Extension sa Palmera 2, sa Barangay Dolores, dakong 4:30 nang madaling araw.

Ayon kay Edgardo Cajes, driver ng mixer truck, dahan-dahan niyang binabagtas ang kurbadang kalsada nang sumulpot at pumasok sa kanyang linya ang kasalubong na kotse, na patungo sa direksiyon ng Antipolo City.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sinubukan pa umano ni Cajes na iwasan ang sasakyan at pumreno, ngunit umangat ang truck (ACZ-1458) at umikot-ikot hanggang sa tumagilid habang nawasak naman ang unahang bahagi ng kotse nang tumama sa hulihang gulong ng truck.

Isinugod sa ospital ang driver ng kotse, na hindi agad nakuha ang pangalan, matapos na dumaing nang pananakit ng leeg at likod habang hindi na nagpadala pa sa ospital si Cajes at ang kanyang helper, na nagtamo ng galos sa katawan.

-MARY ANN SANTIAGO