SA kabila ng naitalang 36 na unforced errors, nagawa pa ring manalo ng 2nd-seed University of Santo Tomas kontra 3rd seed Adamson University, 25-18, 25-22, 16-25, 32-30, para makauna kahapon sa Game One ng kanilang best of 3 semifinals series sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Pinangunahan ng middle blocker na si Jayvee Sumagaysay ang Tiger Spikers sa itinala nitong 19 markers, na kinabibilangan ng 12 attacks, 6 blocks at isang ace.

Sinundan sya ni Joshua Umandal na may 18 puntos at team captain Manuel Medina na may 17 puntos. Namuno naman si team skipper Paolo Pablico kasama si opposite hitter George Labang para sa Falcons sa kanilang itinalang tig-16 puntos.

“Nawala kami sa focus nung third set, nag-relax ‘yung middle, setter, ewan ko tuliro. One thing going good for me ‘yung libero ko nag-off ‘yung isa macocover niya tapos siyempre ‘yung service namin kahit marami kaming service error, it doesn’t matter basta malakas,” pahayag ni UST coach Odjie Mamon.

“May key players kami na hindi dapat mag-service errors kasi sobrang lakas ng harap namin. Eh, dalawang beses nangyari yun, so tapos agad yung rotation,” fagdag pa nito. - Marivic Awitan

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?