HINDI lingid sa publiko ang pambabatikos ni Eminem kay President Donald Trump – bagkus ay isinama niya pa ito sa kanyang bagong surprise album, ang Kamikaze, na inilabas nitong Biyernes, ayon sa Time.

Ini-rap ng Detroit musician, tunay na pangalan ay Marshall Mathers sa kantang The Ringer, ang unang track sa kanyang bagong album, na ang pambabatikos niya ay napansin ng U.S. Secret Service.

Sinabi ni Eminem kay Trump – na tinatawag niyang Agent Orange – “just sent the Secret Service / To meet in person / To see if I really think of hurting him / Or ask if I’m linked to terrorists.”

Bilang sagot ng kinatawan ng Secret Service sa request na komento ng Time: “The Secret Service does not confirm or comment on the absence or existence of specific investigations. We can say, however, the Secret Service investigates all threats against the President.”

Tsika at Intriga

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens

Noong 2017, nag-release si Eminem ng freestyle song, kung saan tinawag niya si Trump na “kamikaze that will probably cause a nuclear holocaust,” kasi “racism’s the only thing he’s fantastic for”, tinawag niya rin si Trump na “Donald the b—-.”

Sa isa pang bahagi ng kanta, rap ni Eminem: “That’s an awfully hot coffee pot. Should I drop it on Donald Trump? Probably not.”

Kung totoo man ang pahayag ni Eminem, ay hindi ito ang unang pagkakataon na inimbestigahan ng Secret Serviceang rapper dahil sa nilalaman ng kanyang lyrics. Noong 2003, naglunsad ang Secret Service ng probe para imbestigahan ang linyang “I don’t rap for dead presidents. I’d rather see the president dead.” Sa hip hop, ang “Dead Presidents” ay term na kadalasang taguri sa pera.