NALILINYA sa horror si Toppel Lee kaya thankful siya na binibigyan siya ng Regal Entertainment ng romantic-comedy.

Pepe, Direk Toppel at Ritz copy

Siya ang direktor nina Ritz Azul at Pepe Herrera sa The Hopeful Romantic. Sa Regal din niya ginawa ang unang rom-com niyang My Kuya’s Wedding na pinagbidahan nina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna at Maja Salvador.

“Nakakatuwa sina Mother Lily (Monteverde) at Ms. Roselle (Monteverde-Teo) kasi binibigyan din nila ng break ang ibang artista,” sabi ni Direk Toppel nang makausap namin sa media launch ng Hopeful Romantic. “Dito bago ang combination nina Ritz at Pepe.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Gagampanan ni Ritz si Veronica, ang sosyal at liberated girl na mahilig sa rich boys na napeke ni Jess (Pepe).

Ito ang unang leading man assignment ni Pepe, gumaganap na valet attendant sa five-star hotel na na-in love kay Veronica.

Napapangiting kuwento ni Ritz, “We have a bed scene. When we were shooting it, si Pepe ang nerbiyos na nerbiyos; nanginginig ang mga kamay niya so I told him to relax kasi Direk Topel will help us. Ako kasi, I’ve done romantic scenes na with Derek Ramsay, Paulo Avelino and Ejay Falcon on TV.”

Nagkatrabaho na sila ni Pepe sa Ang Probinsiyano kaya medyo kampante na sila sa isa’t isa.Sa September 12 ang playdate ng The Hopeful Romantic at umaasa si Toppel na magugustuhan ito ng moviegoers.

“Parehong nagkukunwari ang character nina Ritz at Pepe,” kuwento ni Direk, “kaya marami kaming nakakatuwang mga eksena. Iniwasan ko ang mga lumang eksena kaya maraming bagong mapapanood.”

Positive si Direk Toppel sa local movie industry. Naghahanap siya ng magagandang script.

Nag-uunahan sa paghahanap ng contents ang maraming channel pati na online entertainment sites. Andaming naghahanap sa akin ng script na puwedeng gawin. Kaya ngayon kung may P3M ka, puwede kang magprodyus at siguradong may bibili ng pelikula mo.”

-DINDO M. BALARES