MOSCOW/KIEV (Reuters) – Nasawi sa pagsabog sa isang cafe ang pinuno ng Russian-backed separists sa rehiyon ng Donetsk sa silangang bahagi ng Ukraine nitong Biyernes, na isinisisi ng Russia sa Ukraine.

Si Zakharchenko, na namuno sa self-proclaimed Donetsk People’s Republic simula noong 2014, “received injuries incompatible with life as a result of an explosion in the center of Donetsk,” ayon sa pahayag ng separatist administration.

Inakusahan ng Russia’s foreign ministry ang Ukraine ng pagpatay sa separatist leader, Alexander Zakharchenko, upang maging sanhi umano ng pasibol ng digmaan sa silangang bahagi ng Ukraine, bagamat iginiit ng Kiev na walang kinalaman dito ang naging pagsabog.

Tinawag naman ni Russian President Vladimir Putin na “dastardly” ang pagpatay na layon umanong basagin ang marupok na regional peace, bagamat hindi inakusahan ni Putin ang Kiev bilang nasa likod ng insidente.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'