RUSO copy

RUSO, N.D. (AP) — Hindi malulusaw ang pinakamaliit na syudad sa North Dakota, matapos dumoble ang populasyon ng lugar.

Mula sa dalawang tao matapos mamatay ang matagal na mayor ng lugar, magiging apat na ngayon ang residente ng Ruso.

"We want to keep it going for Bruce's sake," pahayag ni Laurinda Roloson, city auditor at isa sa dalawang natitirang residente ng lugar. Ang kanyang asawa na si Terry Roloson, ang isa pang residente ng Ruso.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nadiskubre ng lungsod na kwalipkadong maging residente ang Ruso si Greg Schmaltz dahil sa kanyang Ruso mailbox at araw-araw umano nitong dinadalaw ang mga alaga nitong hayop sa lugar na sakop ng Ruso. Kaya naman inaasahang siya na ang susunod na Mayor ng kanilang bayan.

Samantala, plano na ni Schmaltz at ng kanyang asawa na kasalukuyang naninirahan sa Velva na lumipat sa ruso.

"We're looking at fall to finish everything up," ani Greg Schmaltz.

Itinatag ang Ruso noong 1909 at dating may populasyon na 141. Ngunit unti-unting nawala ang mga residente ng lugar nang magsara ang grain elevator business noong 1956.

Umaasa naman si Schmaltz na susunod ang marami sa kanya at maninirahan sa Ruso.

"Other people have expressed interest in moving out there. We don't want things to slow down," aniya. "I'm about preserving what little is left of Ruso. I'm proud of being out there."