Kumikita ng $58,000 kada taon ang isang babae sa Australia sa pamamagitan ng pagyakap sa mga tao.
Sinasabi ng “cuddle therapist” nasi Jessica O’Neill na ang kanyang yakap ay nakatutulong sa mga dumaranas ng kalungkutan, depresyon o mababang kumpiyansa sa sarili.
Dating massage therapist at councelor si O’Neill, ngunit napansin umano niyang kapag niyayakap niya ang kanyang mga kliyente sa kanilang sessions, dito nailalabas ng kanyang mga pasyente ang mga problema at naikukuwento sa kanya.
“I could see their anxiety and tension melt away. Then I could get to the core of their persona and do what I can to heal them,” pahayag ni O’Neill.
Nagsisimula ang session na ito sa isang meditation, na pinaniniwalaan niyang nakatutulong sa kanya at kanyang mga pasyente na kumonekta sa “spiritual level.” Kasunod nito’y makakaroon ng maikling pag-uusap kung bakit kailangan ng tulong ng kliyente. “Everyone has a totally different story. But the most common factors are loneliness, depression, isolation and anxiety. All of them just have that desire to connect with someone.”
Sa kabila naman ng mga iniisip ng tao na ‘she must be crazy for doing such work,’ kumpiyansa si Jessica na tama ang kanyang naging desisyon. “It’s so much more rewarding than just massage or counselling. I feel like it’s what I was put on this Earth for.” - OC