Ni ADOR SALUTA

Dingdong at Dennis
Dingdong at Dennis
SA panayam kay Ms. Lilybeth Rasonable, GMA-7 Senior Vice President for Entertainment, inilahad nito ang upcoming series na pagsasamahan ng dalawang bigating Kapuso actors na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, ang Cain at Abel. 

Nang tanungin kung paano nila nabuo ang ideya na pagsamahin ang dalawang Kapuso drama king sa isang proyekto, sagot ni Ms. Rasonable: “Kasi parang ‘yung program, the story is about two brothers.

“While many are also deserving of the roles or the characters, Dingdong and Dennis have been doing so many soaps in the past na tig-isa lang sila.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Pero parang ang sarap, parang casting coup at malaking project kapag pinagsama mo ‘yung dalawang primetime king, drama king, parehong best actors.

“So kailangan natin ng matinding... ‘yung parang pagka ganitong dalawang magkapatid, kailangan matindi.

“Each one will give the other a run for the one so kailangan, gan’un ‘yung effect niya sa tao na hindi ka makapili or matutuwa ka sa bawat performance.”

Ayon pa kay Ms. Rasonable, excited na ang dalawang aktor na magkasama sa isang proyekto.

“Siguro, nakatulong na rin na they had a performance for the concert in the States so parang lalo silang nagbond.

“So when they found out that they’re going to work with each other, they really welcomed it and they are excited to work together.”

Matatandaang noong taong 2014, ay inanunisyo na gagawa ng pelikula sina Alden Richards at Aljur Abrenica sa ilalim ng GMA Films, may titulong Cain at Abel.

Nabanggit pa nga ni Alden sa nakaraan niyang panayam na sabi’y, the story is about two best friends “’tapos magsisiraan po kaming dalawa”. Kumbaga, magkakapatid na magpapatayan dahil sa agawan ng ari-arian.

Adolf Alix Jr. was assigned back to do the project, however, the movie did not push through.

Paliwanag pa ni Ms.Rasonable, the Cain at Abel project of Alden and Aljur is different from this series.

Ang nasabing programa ay hindi rin daw remake ng 1982 film na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Philip Salvador.

 “Ay hindi, ibang-iba ‘yun. It was a different concept but it was for movie. Kasi, ‘di ba ‘yung Cain at Abel, ang tagal na rin naman niyan, with Philip and Christopher. Ibang-iba. So dito, ‘yun lang concept ng magkatunggaling magkapatid pero ibang-iba. This is not a remake at all.”

Bukod kina Dingdong and Dennis, ilang  Kapuso stars din ang makakasama sa project, gaya nina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Chanda Romero, Ronnie Henares, at Carlo Gonzalez.

Dalawang direktor ang hahawak ng show, sina Mark Reyes at Don Michael Perez.