Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) at tatlong kasamahan nito, sa anti-drug operation sa Cotabato.

Base sa ulat ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, kinilala ang mga suspek na sina Floyd Gonzales y Borjel, 42, CENRO, at taga-Barangay Zone IV, Koronadal City; Jonel Gonzales y Campaña, 34, alyas “Jade Lalk”, ng Bgy. San Isidro, Kidapawan, nasa high-value target at miyembro umano ng drug group; Joel Butardo y Ersando, 44, alyas “Jun Arota”; at Jhovani Quiben y Pasicara, 35, kapwa taga-Bgy. Katidtuan, Kabacan.

Base sa imbestigasyon, dakong 8:20 ng hapon nitong Biyernes nang masakote ang mga tulak ng ilegal na droga ng mga tauhan ng PDEA-Region 12 sa buy-bust operation sa Upper Lopez Jaena Street, Bgy. Zone IV, Koronadal.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang siyam na gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P61,200, isang .45 caliber pistol, mga bala, at drug paraphernalia. - Jun Fabon

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso