ni Brian Yalung

UMAATIKABONG aksiyon ang matutunghayan sa gaganaping ‘Bakbakan sa Molino’ Part 8 ngayon sa Quibors Boxing Gym sa Bacoor, Cavite.

Tampok sa fight card ang duwelo nina Rhenrob “Asero” Andales ng Quibors Stable at Jonathan “Pretty Boy” Almacen ng MP Highland Stable. Nakataya sa laban ang minium weight ng LUZPROBA championship.

Tangan ni Andales ang malinis na karta 6-0, kabilang ang huling laban kay Jenuel Lauza via unanimous decision nitong Hunyo 23 sa Bacoor. Ang natatagi panalo ng 18-anyos ay TKO kontra Stephen Intino noong Oct. 20, 2017.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hawak naman ni Almacen ang 4-1-2 karta kabilang isang knockout. Target niyang makabawi sa natamong unanimous decision kay Jayson Vayson ng Baguio City nitong June 30.

Kumpiyansa si Quibors Boxing Promotions chief Joseph Quibral na kasisiyahan ng boxing fans ang main card ng fight match.

“Magaling na boxer si Almacen. Galing sa amateur pero very experienced,” pahayag ni Quibral. “Sa kabila naman, 2017 lang nagsimula si Andales. Matyiga siyang nagsisikap para sa mga laban,” aniya.

Nakalinya ring lumaban sa fight card ni Quibors sina Ariston Aton vs. Jestoni Racoma (Poun 4 Pound, 8 RDS); Francis Diaz vs. Alvin Defeo (Elorde Pegasus, 6 RDS); Rostom Doronio vs. Kenneth Neron (Berwela, 4 RDS) at Ron Mitra vs. Mark Jequinto (Berwela (4 RDS).