Inanunsiyo ng Estados Unidos ang pagpapatigil ng pondo sa ahensiya ng United nation para sa mga Palestinian refugees nitong Biyernes, matapos ideklarang “irredeemably flawed” ang organisasyon.

Matagal nang ‘biggest donor’ ang Washington para sa UN Relief and Works Agency’s (UNRWA) ngunit “[it is] no longer willing to shoulder the very disproportionate share of the burden,” pahayag ni State Department spokeswoman Heather Nauert.

Sinabi ni Nauert na wala nang magiging dagdag na kontribusyon ang US bukod sa $60 milyong ibinigay nitong Enero, dahilan upang kondenahin ito ng mga Palestinians at UNRWA.

“We reject and condemn this American decision in its entirety,” saad ni chief Palestinian negotiator Saeb Erekat, kasabay ng panawagan sa ibang mga bansa “to reject this decision and to provide all possible support” para sa UNRWA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kinondena rin ng UNRWA ang desisyon ng US at ang ginawang pasasalarawan ni Nauert sa ahensiya.

UNRWA “expresses deep regret and disappointment at the US’ announcement that it will no longer provide funding to the Agency after decades of staunch political and financial support,” pahayag ni spokesman Chris Gunness sa Twitter.

“We reject in the strongest possible terms the criticism that UNRWA’s schools, health centers, and emergency assistance programs are ‘irredeemably flawed,” aniya.

Ibinahagi naman ni UN Secretary General Antonio Guterres ang kanyang “full confidence” sa UNRWA at nanawagan sa “other countries to help fill the remaining financial gap, so that UNRWA can continue to provide this vital assistance.”

Sinusuportahan ng ahensiya ang nasa limang milyong rehoistradong Palestinian refugees at pinapaaral ang nasa 526,000 bata sa mga teritoryo ng Palestinian gayundin ang mga nasa kampo sa Lebanon, Syria, at London.

Agad nang nagdulot ng pangamba mula sa UNRWA ang takot hinggil sa pondo dahil maaari itong humantong sa tuluyang pagpapasara ng nasa 711 paaralan na muling napatakbo matapos ang pansamantalang paghinto.

Samantala, sa kabila ng mga tulong para sa ahensiya nitong Huwebes nang mangako ang Germany na magbibgay ito ng dagdag na pondo, sinabi ni UNRWA director Pierre Krahenbuhl na nangangailangan pa rin ang ahensiya ng $200 milyon upang maipagpatuloy ang mga plano para ngayong taon.

Una nang inanunsiyo ng US nitong linggo ang pagpapahinto nang mahigit $200 milyong bilateral aid sa mga Palestinians na nasa Gaza at West Bank.

Sinabi ni Nauert na, “[US would] intensify dialogue with the United Nations, host governments, and international stakeholders about new models and new approaches” upang makatulong na mapagaan ang epekto sa mga batang Palestinian.

Kamakailan, sinabi ni Palestinian ambassador to Washington, Hossam Zomlot, na “[US would be guilty of] reneging on its international commitment and responsibility” kung makumpirma ang mga ulat hinggil sa pagpapahinto ng pondo.

Kapwa inaakusahan ng Israel at US ang UNRWA ng pakikialam sa krisis sa Israel-Palestinian sa pamagitan ng pananatili ng ideya sa karapatang makabalik—na magagawang makabalik ng mga Palestinians sa kanilang mga tahanan.

Iginigiit din ng dalawang pamahalaan na kontra ang UN sa Israel, na ipinunto ang matagal nang kasaysayan ng botohan sa General Assembly kontra sa mga Hudyong estado. - AFP