Inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na magdadagdag ng taunang insentibo sa serbisyo ng mga kawani, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng hanggang 10 araw na bakasyon o incentive leave.

Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6770 ni Baguio City Rep. Mark Go na nagtatakda sa bawat kawani na nakapagsilbi nang isang taon ng 10 araw na incentive leave.

Sa ngayon, ang mga manggagawa ay entitled lang sa limang araw na incentive leave.

Upang maipatupad ito, dapat amyendahan ang Article 95 ng Presidential Decree No. 442, o ang Labor Code of the Philippines. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji