JAKARTA— Matikas na nakihmok si Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe, ngunit naigupo siya ng top-ranked Japanese rival sa women’s –63 kgs ng judo, 10-0, para makuntento sa silver medal nitong Huwebes ng gabi sa 18th Asian Games sa Jakarta Convention Center Plenary Hall.

Watanabe

Watanabe

Nanaig ang bilis at lakas ni Nami Nabekura sa Pinay judoka na naipuwersa niyang mawala sa balanse para makapuntos sa unang minuto ng laban.

Sa sumunod na tagpo, nagawang maipit ng karibal si Watanabe tungo sa panalo via Ippon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Coming to this, I am the challenger,” pahayag ng 22-anyos na si Watanabe, Sports Science student sa Waseda University sa Tokyo.

“We had a game plan but I was so nervous before the game and could not execute. I know her because we often met in tournament in Japan. But she is now much stronger than me because she often competes,” aniya.

Nagawa namang lagpasan ni Watanabe ang ikapitong puwestong pagtatapos sa kanyang naging kampanya sa 2014 Incheon Games.

“I didn’t have a medal in my first Asian Games. I am so happy with this medal. I hope to continue playing for the Philippines,” aniya.

Umusad si Watanabe sa semifinals matapos ang magaan na panalo via Ippon kontra world No. 204 Orapin Senathan ng Thailand.