Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

2 p.m. – UST vs FEU (women’s)

4 p.m. – UP vs Adamson (women’s)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

PORMAL na makausad sa kampeonato sa pamamagitan ng tangkang sweep ng kani-kanilang semifinals series ang tatangkain kapwa ng second seed University of Santo Tomas at ng 4th seed University of the Philippines sa muli nilang pagsabak ngayong hapon sa Premier Volleyball League 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Parehas nakauna ang Tigresses at Lady Maroons sa kani-kanilang best-of-3 series noong Miyerkules nang gapiin muli ng una ang third seed Far Eastern University Lady Tamaraws sa loob ng apat na sets,

16-25, 26-24, 25-18,25- 23 habang ginulat naman ng Lady Maroons ang topseed Adamson University Lady Falcons, 24-26, 25-19, 25-23, 25-20.

Pinangunahan ni rookie sensation Eya Laure sa itinala nitong shone,19 puntos mula sa 15 attacks at 4 blocks ang UST katulong si sophomore Fil-Italian winger Milena Alessandrini na muntik ng mag triple double sa kanyang 16 puntos, 13 digs, at 8 excellent receptions.

Inaasahan namang mangunguna sa pagbawi ng Lady Tamaraws sina Jerrili Malabanan, Celine Domingo at Lycha Ebon na nagsipagtapos na kanilang topscorers noong Game 1 sa itinala nilang 10 at tig-9 na puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa panig naman ng UP, muli nilang sasandalan ang pamumuno ng graduating nilang player na si Marian Buitre na nagtala ng career best 25 puntos noong Miyerkules upang kumpletuhin ang upset sa Lady Falcons.

-Marivic Awitan