SA panahon na instant na ang lahat mula sa pagkain hanggang sa pagkakaroon ng karelasyon, napapanahon ang tema ng The Hows of Us. Dahil tungkol ito sa pagbubuo ng pangmatagalang relasyon.

Kathryn at Daniel copy

Kung medyo mahina-hina ang think-tank o focus group discussion ng production, puwede rin itong tituluhan ng “The House of Us”. Pero maraming brilliant minds sa Star Cinema kaya wider ang scope ng title at pati na ng mismong pelikula.

Star Cinema ang pinaka-productive na business unit ng ABS-CBN at sila rin ang nangungunang film outfit sa Pilipinas ngayon -- sa paramihan ng output at maging sa mga pelikulang kumikita. Hindi kataka-taka na sa Star Cinema na-discover at sumikat si Cathy Garcia-Molina, ang direktor na may pinakamataas na batting average sa box office at ganoon din sa magagandang pelikula.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Alam nating lahat na hindi lahat ng magagandang pelikula ay kumikita, at hindi rin naman lahat ng blockbusters movie ay maganda. Aware tayo na may mga pelikulang halos isuka ng mga kritiko pero nagugustuhan at dinudumog ng mga manonood. Si Direk Cathy, direct proportion ang graph: pinapasok ng maraming viewers dahil magandang gumawa.

Itong The Hows of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang latest sa magkakasunod na blockbuster movies ni Direk Cathy.

Young couple sina Primo (Daniel) at George/Jo (Kathryn) na gaano man kamahal ang isa’t isa ay nagkahiwalay dahil sa passion ng una sa music. Imagine Vincent Van Gogh na pinta nang pinta pero wala namang painting na naibebenta. Napuno si Jo nang dumating na sa puntong nadiskaril pati pag-aaral niya ng Medicine dahil kailangan niyang asikasuhin ang depressed at naging tomador nang si Primo.

Tinatalakay sa pelikula na kung marami kang dahilan para isuko at tapusin ang relasyon, baka naman maaari pang maghagilap ng kahit isang rason para manatili. Ganito ang kinagisnan nating mga relasyon sa mga ninuno natin. Swak na swak sa classic Rey Valera na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, ang theme song ng pelikula.

So, alam na this! Ang ganitong hugot ay walang pinipiling edad. Sino ba naman ang ayaw ng relasyong panghabang-buhay? Kaya hindi lang sa millennials may appeal ang The Hows of Us, pati na rin sa moviegoers mula sa iba’t ibang henerasyon. Katunayan ang record-breaking box office take nito.

Malaking bonus sa movie ang unti-unti nang pagiging tunay na aktor at aktres nina Kathryn at Daniel. Hindi na sila pabebe rito. Nagbabago at nagma-mature na sila, bagamat teens pa rin talagang tingnan sa screen.

Pinanood ko ang KathNiel movie habang hinihintay ang premiere night ng Goyo nitong nakaraang Huwebes sa Megamall. Sumakto lang, malinamnam na appetizer ang The Hows of Us at nakakabusog na healthy main course naman ang Goyo. (Ito ang sunod naming rerebyuhin.)

Muli kaming nagrerekomenda ng magagandang pelikula dahil tiyak na magagandahan din ang sinuman. Pag-ipunan ninyo ang dalawang pelikulang ito, sulit na sulit at hindi kayo lalabas sa sinehan na sinisisi ang reviewer.

-DINDO M. BALARES