NGAYONG Biyernes (Agosto 31), saksihan ang pagtatapos ng unang advocaserye ng Kapuso Network, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa GMA Afternoon Prime block.

Hindi maikakailang tinutukan at sinubaybayan ng manonood ang kuwento ng isang babaeng HIV positive at kung paano niya nilabanan ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Lubos na nagpapasalamat si Yasmien Kurdi, na gumaganap sa lead role bilang si Thea Balagtas, sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa kanilang programa.

“Maraming salamat sa pagtutok ng viewers. Sinamahan nila si Thea sa kanyang struggles, paano niya nilabanan ang mga pagsubok sa buhay at paano siya tumayo para maging matatag,” ayon kay Yasmien.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sa pamamagitan ng programa at ng kanyang karakter, umaasa si Yasmien na nakapaghatid sila ng inspirasyon sa mga manunuod na maging matapang at matatag sa pagharap sa mga pagsubok.

“Ipinakita ng show na kahit may HIV ang isang tao, meron pa rin siyang sarili niyang teleserye at istorya ng buhay. It doesn’t end with HIV lang na ibig sabihin it’s the end of the world for a person. Ang bawat tao na may HIV ay may istorya ng buhay at kaya niyang mabuhay nang normal tulad ni Thea na may issues in life,” dagdag pa ni Yasmien.

Sa pagtatapos ng serye, magwawakas na rin kaya ang kasamaan nina Elvira (Jackie Lou Blanco) at Ava (Jackie Rice)? Magkakaroon na kaya ng katupusan ang mga paghihirap ni Thea at ng kanyang pamilya?

Sa ilalim ng direksoyon ni Neal del Rosario, huwag palampasin ang finale ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ngayong Biyernes.

-Mercy Lejarde