Inaasahan ng Department of Tourism (DoT) na tataas ang international tourist arrivals sa mga susunod na buwan, sa muling pagbubukas ng bantog na Boracay Island sa Oktubre.

Binigyang-diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sa kabila ng anim na buwang pagsara ng Boracay, tumaas ang bilang ng mga bisitang dumating sa Pilipinas ng 9.74 porsiyento mula Enero hanggng Hulyo 2018, idinagdag na malaki ang naiambag ng magkatuwang na pagsisikap ng stakeholders at ng gobyerno sa satisfactory performance ng industriya ng turismo sa bansa.

“With the soft opening of Boracay on October 26, we expect that the tourist arrival will further increase in the coming months,” ani Puyat sa pagtatalumpati niya sa Philippine Travel Exchange nitong Miyerkules.

Sinabi ni Puyat na inaabangan nila ang soft opening ng Boracay ngunit kinailangan nilang siguraduhin na ang lahat ng stakeholders ay mangangako sa pagpipreserba sa “pristine quality of the island and the seawater.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tiniyak niyang makukumpleto ang first phase ng rehabilitasyon bago ang soft opening. At ang second phase ng rehabilitasyon ay matatapos sa Abril sa susunod na taon, habang ang last phase ay inaasahang makukumpleto sa katapusan ng 2019.

“We hope to make the island a model for sustainable tourism that will serve as a stark lesson in balancing development and protecting the environment,” ani Puyat.

-Analou De Vera