Sisikapin ng ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) si Vice President Leni Robredo na maibalik ang tinapyas na P100 milyon mula sa budget ng Office of the Vice President.

Tiniyak ni Nograles na gagawan niya ng paraan upang maibalik ang nakaltas na pondo na ayon kay Robredo ay gagamitin sa pag-ayuda sa local government units (LGUs).

“Most of the departments also experienced the same budget cuts which is why they are trying to resolve things within their means. ‘Wag kayong mag-alala. Hanapan natin ng paraan itong problema na ito,” ani Nograles.

Humiling ang OVP ng P549M budget para sa 2019 ngunit binawasan ito ng Department of Budget Management (DBM), at naging P447.68M na lang.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bert De Guzman