TINALO ni WBC minimumweight champion Wanheng Menayothin si Filipino challenger Pedro Taduran sa 12-round unanimous decision sa Nakhon Sawan, Thailand kamakalawa ng gabi upang lumikha ng bagong world record sa professional boxing na perpektong 51 panalo.

Bukod sa nalagpasan ni Wanheng ang rekord nila ni dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. na perpektong 50 panalo, ito ang ika-10 matagumpay na depensa niya sa WBC minimumweight title na natamo niya noong Nobyembre 6, 2014 nang mapatigil sa 9th round si Oswaldo Novoa ng Mexico sa lalawigan ng Chonburi, Thailand.

Binansagang hometown world champion si Wanheng dahil hindi lumaban sa labas ng Thailand, batid ni Taduran na hindi siya mananalo sa puntos kaya nakipagsabayan siya ng bigwasan sa Thai.

Ngunit, halatang pabor ang Amerikanong referee na si Stephen Blea sa Thai champion dahil binawasan si Taduran ng dalawang puntos sa dalawang okasyon kahit hindi sinadya ng Pilipino ang low blows.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Sa kabuuan ng laban, pilit inaatake ni Taduran ang bodega ni Wanheng ngunit lagi siyang pinapansin ng referee kahit legal ang kanyang mga suntok.

Nagwagi si Wanheng sa iskor ng mga hurado na pabor sa kanya sa 115-111; 118-108; at 117-110 kaya lumasap ng ikalawang pagkatalo sa puntos si Taduran sa rekord na 12 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts.

“The referee didn’t do Taduran any favours but ultimately it was Wanheng’s accuracy that made the difference. The Thai improves to 51-0, his opponent drops to 12-2 but gave a good account of himself in his first fight outside of the Philippines and first world title match,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com “There were no cuts and no knockdowns, however, Taduran was deducted points in two different instances for low-blows, even though those punches below the belt were seemingly not intentional.”

Nabigo man na maging ikapitong kampeong pandaigdig ng Pilipinas sa kasalukuyan, nangako si Taduran na patutulugin si Wanheng kapag muli silang nagharap sa ibabaw ng ring.

-Gilbert Espeña