JAKARTA— Nahila ni Asian Games first timer Almohaidib Abad sa apat ang hakot na bronze medal sa pencak silat competition ng 18th Asian Games nitong Miyerkules sa Padepokan Pencak Silat Hall ng Gelora Bung Karno Complex.

Sa edad na 18-anyos, si Abad ang ikalawang pinakabata sa Team Philippines na nagwagi ng medalya sa quadrennial meet ditto. Naunang nasungkit ng 17-anyos na si Yuka Saso ang gintong medalya sa women’s individual gold at sa team competition.

“Glory to God. I feel so blessed with my win,” pahayag ni Abad.

Nag-ambag ng bronze medal sa pencat silat -- isang uri ng martial arts discipline --- sina Cherry May Regalado, Dines Dumaan at Jeffrey Loon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!