Nagtipun-tipon kahapon ang mga opisyal at residente ng San Juan City para gunitain ang ika- 122 anibersaryo ng Battle of Pinaglabanan.

Nagsimula ang pagdiriwang dakong 8:00 ng umaga sa tapat ng City Hall, sa pangunguna nina Mayor Guia Gomez, Senator JV Ejercito, Vice Mayor Janella Ejercito, Eastern Police District (EPD) Director P/Senior Supt. Joel Bernabe Balba, at iba pang opisyal ng lungsod.

Si Sen. Nancy Binay ang nagsilbing panauhing pandangal sa okasyon, na nagsabing malaki ang ginampanan ng mga ninuno sa bayan ng San Juan, mga katipunero at iba pang lider ng himagsikan para makamit ang tunay na kapayapaan, kaya’t marapat lamang itong kilalanin ng mga Pinoy.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Pinag-isa ng Kalayaan tungo sa Maunlad na Kinabukasan.” Nag-alay ang mga opisyal ng mga bulaklak sa Pinaglabanan Shrine gayundin sa monumento nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mary Ann Santiago