WALANG puwang ang pahinga.
Sa ganitong linya ang nais tahakin ni National coach Yeng Guiao para sa paghahanda ng Team Philippines sa Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers.
Ayon kay Guiao, kaagad na sasabak sa ensayo ang Nationals matapos ang kampanya sa 18th Asian Games.
“We will practice immediately this coming Monday for the Fiba window,” pahayag ni Guiao.
Nakasiguro sa ikaanim na puwesto ang Nationals sa Asiad men’s basketball nang tambakan ang Japan, 113-80.
Sa ikatlong window ng Fiba qualifying, makakatunggali ng Pilipinas ang Iran sa Setyembre 13 sa Tehran bago nila harapin ang Qatar sa Setyembre 17 sa isang closed-door match sa Smart-Araneta Coliseum.
Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang source, napili na umano ni Guiao ang 18-player na isasabak sa Fiba.
Bukod sa kanyang kasalukuyang Asiad team, gusto ni Guiao na masama sa line-up sina San Miguel guard Alex Cabagnot at Marcio Lassiter, Ginebra slotman Greg Slaughter at Magnolia big man Ian Sangalang
Ayon kay Guiao na pansamantalang gagabay sa Gilas dahil sa pagkakasuspinde ng FIBA kay coach Chot Reyes, susubukan nilang mag- book ng flight pabalik ng Manila pagkatapos ng laro nila ngayon.
-Marivic Awitan