CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nakatutok ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport operator na humahawak ng mga colorum na public utility vehicles (PUVs) sa Mindoro.

Ito ay matapos hilingin ni LTRFB chairman Martin Delgra sa mga local operator ng PUVs, partikular na sa mga passager van, na magkaisa na lamang sa pamamagitan ng pagtatatag ng kooperatiba o korporasyon, upang mapadali ang proseso ng kanilang franchise applications para sa iba’t ibang ruta sa lalawigan.

Paliwanag ni Delgra, prayoridad ng ahensiya na mabigyan ng prangkisa ang group applicants kasabay ng pagsasabi na malaki ang problema sa transportasyon sa nabanggit na probinsiya na nakaaapekto sa ekonomiya, gayundin sa libu-libong pasahero na bumibiyahe sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.

Ayon sa opisyal, napansin niya ang kakulangan ng pampasaherong sasakyan sa Oriental at Occidental Mindoro matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghuli sa mga colorum na PUVs.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Jerry J. Alcayde