MAGTATANGKA si Milan Melindo na maging two-time world champion sa paghamon sa Hapones na si WBC light flyweight champion Ken Shiro sa Oktubre 7 sa Yokohama Arena sa Yokohama City, Japan.

Dating IBF light flyweight champion, huling lumaban si Melindo nang matalo sa puntos sa unification bout kay WBA junior flyweight titlist Ryoichi Taguchi noong nakaraang Disyembre 31 sa Ota City General Stadium, Ota City, Japan.

May perpektong rekord si Shiro na 13 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at nagkampeon siya noong Mayo 20, 2017 nang talunin niya sa 12-round majority decision ang dating WBC light flyweight titlist na si Ganigan Lopez ng Mexico sa Ariake Colosseum sa Tokyo.

Naidepensa niya ang titulo kay dating WBC light flyweight champion Pedro Guevarra ng Mexico (MD 12), Gilberto Pedroza ng Panama (TKO 4) at sa rematch kay Lopez na pinatulog niya sa 2nd round.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito naman ang ikatlong sunod na laban ni Melindo sa Japan makaraang patulugin niya sa 1st round si three-division world champion Akira Yaegashi noong Mayo 21, 2017 sa Ariake Colosseum sa Tokyo.

May rekord si Melindo na 37 panalo, 3 talo sa puntos na may 13 pagwawagi sa knockouts at kasalukuyang No. 6 sa WBC at No. 8 sa IBF rankings.

-Gilbert Espeña