DAHIL laking Amerika kaya ibang mag-isip si Iñigo Pascual; sinasabi niya kung ano ang sa tingin niya ay tama at may katuturan.

Iñigo

Pinuna ng batang singer-actor ang mga magulang ng mga batang nasa lansangan na namamalimos, at ‘yung iba ay may mga dala-dalang Sampaguita para ibenta.

Hindi namin nilalahat pero may nakita kaming mga magulang ng mga batang ito na kapag nakabenta ay nakaupo sa ‘di kalayuan at iniintrega ang napagbentahan ng sampaguita o napaglimusan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa post ni Iñigo sa Twitter: “I’m so done seeing kids asking for money from people in cars. Kids are meant to have a childhood…they deserve to play and learn life... ‘Wag mag-anak kung hindi maalagaan. Hindi nila kasalanan na hindi kaya ng magulang nilang suportahan sila.”

Sinagot naman si Iñigo ng follower niyang si Ayrich Dane (@ILoveArtist_29): “Tapos isisisi sa gobyerno kung bakit sila naghihirap! Sana sila na lang ‘yung mahirap hindi ‘yung paparamdam pa nila sa anak nila ‘yung hirap ng buhay dito sa mundo.”

Hirit ulit ni Iñigo: “This! Oo, corrupt ang gobyerno natin! Lahat naman ng bansa may sari-sariling pagkukulang. Pero ‘di ibig sabihin na ‘yun lang ang rason kung bakit naghihirap. Laging puwedeng merong gawin. At laging isipin ang mga bata ay karapatan para maging bata.”

Isa lang si Iñigo sa nakitaan naming concerned sa mga batang ito na patuloy na napapabayaan ng kanilang magulang. O puwedeng hindi naman napapabayaan, dala ng kahirapan kaya gustong tumulong ng mga anak.

Kaya lang sa maling paraan, dahil namamalimos ang mga batang ito, sa halip na mag-isip ng ibang bagay na puwede nilang pagkakitaan, tulad ng pag-recycle ng mga gamit na hindi na kailangan na puwedeng pagkakitaan.

Pero dahil ayaw sigurong matuto at ayaw ng mahirap na trabaho kaya mas gustong mamalimos na lang dahil mas madali. Pero hindi naiisip ng mga batang ito na mas mapanganib ang ginagawa nilang nakikipaghabulan minsan sa mga sasakyan.

Anyway, napansin din naming hindi na masyadong pumapatol si Iñigo sa bashers, dahil may mga payo siya sa followers niya na dedmahin na lang ang mga trolls.

“Salamat sa lahat na nagti-tweet at nagme-message na sobrang concerned. Guys ‘wag tayo magpaapekto sa iisang basher na gawa nang gawa ng mga pauso niya. Basta tayo masaya at hindi bitter sa kahit ano.”

Tama, mas lalong matutuwa ang bashers kapag pinatulan sila kaya the best talaga ay dedmahin.

Samantala, malapit nang ipalabas ang launching movie ni Iñigo at ng girlfriend niyang si Maris Racal na I’m Ellenya, produced ng Spring Films at N2 Productions, at idinirihe naman ni Boy 2 Quizon.

-Reggee Bonoan