Sa pag-upo ni dating Associate Justice Teresita J. Leonardo de Castro bilang Chief Justice, nagkaroon ng reorganisasyon sa tatlong dibisyon ng korte.

Bukod sa pagiging pinuno ng full court, pamumunuan din ni CJ De Castro ang first division ng korte kasama si Associate Justice Lucas P. Bersamin bilang working chairman. Ang mga miyembro ng division ay sina Associate Justices Mariano C. del Castillo, Francis H. Jardeleza, at Noel G. Tijam.

Ang second division ay pamumunuan ni Senior Associate Justice Antonio T. Carpio kasama sina Associate Justices Estela M. Perlas Bernabe, Benjamin Alfredo S. Caguioa, Andres B. Reyes Jr., at Jose C. Reyes Jr. bilang mga miyembro.

Ang third division ay pinamumunuan na ngayon ni Associate Justice Diosdado M. Peralta kasama sina Associate Justices Marvic Mario Victor F. Leonen, Alexander G. Gesmundo, Andres B. Reyes Jr. at Jose C. Reyes Jr. bilang mga miyembro.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ang dalawang Reyes ang swing justices na kukumpleto sa membership ng limang mahistrado para sa bawat division.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 13 incumbent justices sa 15-member SC. Ang mga bakanteng posisyon para sa associate justices ay ang mga iniwnan ni De Castro dahil sa kanyang promosyon bilang Chief Justice at ang binakante ni retired Associate Justice Samuel R. Martires na ngayon ay Ombudsman na.

Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) – ang constitutional body na tumatanggap, sumasala, at nagrerekomenda ng appointments sa judiciary – ang application at nominations para sa puwestong iniwan ni Martires hanggang sa Setyembre 3.

Nakatakda pang ipahayag ang bakanteng iniwan ni De Castro bilang associate justice.

Sa ilalim ng batas, ang chief justice ay awtomatikong ex-officio chairman ng JBC.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC, sa ngayon ay wala pang naka-schedule na pulong ang JBC.

-Rey G. Panaligan at Beth Camia