Iginiit ni Senador Cynthia Villar na pumalpak si Agriculture Secretary Manny Piñol na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas, at patunay dito ang patuloy na paglobo ng presyo nito.

Ayon kay Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture, umabot na sa P65-P75 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa Zamboanga City, na una nang nagdeklara ng state of calamity dahil sa ric shortage.

Una nang tinanggal kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. ang pamumuno sa National Food Authority (NFA) Council at inilipat kay Piñol bilang kalihim ng DA.

“I hoped that by putting it under him (Piñol) it will change, kasi ‘di ba tinanggal ‘yan kay Cab Sec, dinala sa kanya as head of the council? Did it improve? It worsened,” ani Villar.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Nanawagan naman sina Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino na imbestigahan ang krisis sa bigas sa Zamboanga

City at Basilan City, gayundin ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa nakalipas na walong buwan.

Sinisisi nina Pangilinan at Aquino ang NFA, na hiniling nilang magpaliwanag kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon.

“The public must be informed of how NFA is trying to solve the crisis situation so that unscrupulous traders and other influential forces in and out of government are not able to manipulate the procurement process and the availability of rice stocks,” ani Aquino, makaraang umabot sa 10-13% ang pagtaas sa presyo ng bigas bawat linggo.

-Leonel M. Abasola