Inaprubahan kahapon ng House Committee on Public Order and Safety sa pamumuno ni Rep. Romeo Acop (2nd District, Antipolo City) ang panukalang batas na ipinalit sa House Bill 3153 ni Rep. Gary Alejano (Magdalo Party-List), at HB 5787 ni Rep. Leopoldo Bataoil (2nd District, Pangasinan).

Layunin nitong ilipat ang administrative supervision at operational control ng apat na police academic institutions mula sa Philippine Public Safety College (PPSC) tungo sa Philippine National Police (PNP).

Ang mga ito ay ang Philippine National Police Academy (PNPA), National Police Training Institute (NPTI), National Police College (NPC), at National Forensic Science Training Institute (NFSTI).

-Bert De Guzman
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador