UNITED NATIONS (AFP) – Walang balak ang Nobel Institute ng Norway na bawiin ang Peace Prize ni Aung San Suu Kyi ng Myanmar matapos ang ulat ng United Nations na kinokondena ang tinawag nitong “genocide” na pagtrato sa mamamayang Rohingya.

“There is no question of the Nobel Committee withdrawing the peace prize,” sinabi ni director Olav Njolstad nitong Miyerkules. “The rules of the Nobel Peace Prize do not allow it.”

Nanalo si Suu Kyi ng Nobel Peace Prize noong 1991 nang idinetine siya ng militar dahil sa pagsusulong ng demokrasya at human rights. Pinayagan lamang siyang umalis ng Myanmar para tanggapin ang parangal makalipas ang 21 taon.

Sa paglala ng krisis ng Rohingya nitong nakaraang taon, pine-pressure ng pandaigdigang komunidad si Suu Kyi na magsalita tungkol sa kanilang sinapit.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ngunit halos wala siyang masabi at madalas na iniiwasan ang anumang kritikal na komento laban sa militar ng Myanmar.