KUNG naipadala lamang sana ang pinakamahuhusay na jiujitsu martial artists ng Pilipinas sa Jakarta Palembang Asian Games 2018 ay tiyak na nadagdagan ang gold medal haul ng Team Philippines na magpapaangat pa ng katayuan ng Pinoy sa prestihiyosong continental sports spectacle.

Aguilar

Aguilar

Ito ang panghihinayang na pahayag ni jiujitsu international titlist at Team Deftac[Defense Tactics] head Alvin Aguilar matapos na isang tanso lamang ang maiuuwi ng isinabak na jiujitsu players sa Asiad na di naman mula sa cream of the crop ng sports.

Ayon kay Aguilar, founder din ng tanyag na URCC Mixed Martial Arts, mas naging matagumpay ang Pinoy kung naniwala at nakinig sana ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee sa kanilang apela o hamon na daanin sa duwelo ang tryouts para sa pagpili ng pinakamahuhusay na isasabak sa Asiad.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Ilang beses nang nagkrus ng landas ang Team Deftac kontra sa mga pambato ng paksiyon na pilit kinikilala ng POC pero laging namamayagpag ang Team Deftac kaya lang ay ayaw kilalanin ng mga kinauukulan sa juijitsu kahit na nga alam nila mismo nasa Team Deftac ang mga tunay na maisasabak sa Jakarta pero sila ay dinedma ng POC. Kahit anong panawagan nila na dapat ay best of the best ang mga atleta sa Jakarta,” pahayag ni Agular.

Malaki aniya ang pananagutan nila sa bayan dahil sa pagpapadala ng mga atletang di man lang makaabot sa medal round samantalang ang subok na at world caliber na Team Deftac ay di pinag-ukulan ng pansin noong panahon ng submisyon ng mga miyembro ng national pool para sa Asiad..

“Kung wala lang pulitika sa POC at naipadala ang best of the best at tiyak na di mabobokya ng gold ang PH jiujitsu sa naturang quadrennial event.Wish ko na sana ay wake up call ito sa pamunuan ng naturang sport .Dapat ay bansa muna ang mangibabaw bago bago ang sariling interes”,panghihinayang ni Aguilar na siyang kauna-unahang international blackbelter sa larangan ng jiujitsu

Ang namumuno kasalukuyan na pangulo ng jiujitsu sa bansa at pilit knikillala ng POC ay si Choy Cojuangco na isang golfer at di man lang naging martial artist, ayon kay Aguilar.