KINUMPLETO ng Far Eastern University ang all-UAAP Final Four sa men’s division ng Premier Volleyball League 2 Collegiate Conference matapos walisin ang College of Saint Benilde, 25-19, 25-20, 25-18, sa kanilang playoff match kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunahan nina middle blockers JP Bugaoan at Peter Quiel ang panalo sa ipinoste nilang 15 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay FEU coach Rey Diaz binalikan lamang nila ang basics upang mabaligtad ang resulta ng preliminary match nila kung saan ginapi sila ng Blazers sa loob ng limang sets.

“Ang adjustment kasi, yung team naka-base sa program namin. Nag-focus kami sa individual skills. Tapos kung ano yung mga errors namin, inayos namin,” ani Diaz.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Naging isang main goal naming mga coaches is ma-lift yung morale ng mga bata,” aniya.

Malaking tulong din aniya ang panalo para palakasin ang kanilang kumpiyansa patungo sa semis sa Biyernes kung saan makakatapat nila ang topseed National University Bulldogs.

Pinangunahan naman ni team captain Francis Basilan ang natalong Blazers sa itinala nyang 10 puntos.

-Marivic Awitan