MULING matutunghayan ang husay nang mga top local beach volleyball players kontra sa mga foreign entries mula sa Europe at Asia sa pagpapalo ng Beach Volleyball Republic On Tour Surigao del Sur leg sa Sabado sa Gran Ola Resort sa Lianga.
Kabilang sa aabangan sa dalawang araw na torneo ang tambalan nina Nasuda Janmong at Saranya Laesood ng Thailand, gayundin sina Kijja Khantarak at Sirinuch Kawfong na pawang beterano sa AVC tournaments.
Kakatawanin naman nina Raja Nazmi Hussin at Mohd Aizzat Zokri ang Malaysia. Galing ang dalawa sa matikas na kampanya sa 18th Asian Games men’s beach volleyball competition sa Indonesia.
Balik sa Surigao del Sur ang BVR On Tour matapos ang huling laban dito na pinagwagihan nina Ong Wei Yu at Eliza Chong Hui Hui ng Singapore kontra kina Pinay tandem Perlas’ Dzi Gervacio at Bea Tan.
Sa pagkakataong ito, isasagawa rin ang men’s division.
Ipinahayag ni Mayor Homer U. Pedrozo ang kahandaan ng lalawigan para sa hosting ng ika-33 leg ng natatanging local beach volleyball promotion sa bansa.
“Actually, I am very proud and honor to host again this 2nd BVR on Tour in our humble and beloved town Lianga. As you can see that i want Lianga to put in the tourism map not just in the Philippines but in the world in general. Hosting this event is one way of presenting our beloved Lianga in a bigger platform which enable us to introduce in different places,” pahayag ni Pedrozo.
“This 2nd BVR on tour which takes place in Sept. 1 and 2 is another milestone for us Liangeños to show our utmost hospitality and the beauty of Lianga to all our visitors. This time it is an international event and both men and women division. I also look forward to hosting this event yearly in promoting sustainability with BVR as emerging sports tourism in our Municipality of Lianga,” aniya.