TULAD sa nakaraang UAAP Season 76, ang De La Salle University ay mayroon lamang 13 manlalaro para sa darating na Season 81 Men’s Basketball Tournament.
Bawat koponan ay pinapayagang gumamit ng 15 players ngayong papasok na season, ngunit nagdesisyon ang Green Archers na mqgbawas pa ng dalawang players sa kanilang team.
Nakatakdang manguna sa koponan si team captain Kib Montalbo kasama sina Aljun Melecio, Andrei Caracut at Jollo Go.
Kabilang din sa team si rookie Encho Serrano at ang nagbabalik na si Mark Dyke at sina Justine Baltazar, Santi Santillan, Taane Samuel, Brandon Bates, Gabe Capacio, Miggy Corteza, at Joaqui Manuel.
Gagabayan sila ni dating assistant coach Louie Gonzalez para sa una nitong pag-upo bilang head coach ng isang collegiate team.
Bilang paghahanda sa Season 81 , ang last season’s runners-up ay lumahok sa nakaraang Filoil Flying V Preseason Cup kung saan umabot sila ng quarterfinals.
Sumali din sila at pumanglima sa BLIA Cup sa Taiwan at sa Asia-Pacific University Basketball Challenge.
-Marivic Awitan