WASHINGTON (AFP) – Pinaigting ni President Donald Trump ang kanyang batikos sa internet firms nitong Martes, ilang oras matapos atakehin ang Google kaugnay sa tinawag niyang ‘’bias’’ laban sa kanya at kanyang mga tagasuporta.

‘’Google and Twitter and Facebook -- they are really treading on very, very troubled territory and they have to be careful,’’ ani Trump sa mga mamamahayag sa White House.

Nitong nakaraang linggo tinuligsa ng pangulo ang social media firms sa aniya’y suppression ng conservative voices, at nitong Martes ay pinatutsadahan ang Google na ‘’rigged’’ ang news search results para paboran ang ‘’left-wing media.’’
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture