Positibo ang Malacañang na walang patutunguhan ang panibagong komunikasyon na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa diumano’y crimes against humanity.

Ipinunto ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaari lamang imbestigahan at parusahan ng international court ang international crimes kung hindi ito tatalakayin ng mga lokal na korte.

“My fearless prediction is it will not prosper dahil nga doon sa konsepto ng complementarity,” sinabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Hindi dapat gumalaw ang ICC unless local courts have proven to be unable or unwilling to exercise jurisdiction of these complaints,” idinugtong niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniulat na inakusahan ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK ang Pangulo na nakagawa ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa komunikasyon na inihain sa ICC. Hiniling din ng complainants sa ICC na mag-isyu ng arrest warrant laban kay Duterte at pagkalooban ng proteksiyon at suporta ang saksi habang dinidinig ang kaso.

Gayunman, pinanindigan ni Roque na ang bagong komunikasyon ay hindi pa maituturing na asunto dahil hindi pa ito inaaksiyunan ng ICC. Idinagdag niya na ang mga ganitong communication na inihain laban sa Pangulo “does not mean anything.”

“That’s not a complaint, that’s a communication because it is still to be acted upon by the ICC. The procedure is different. Anyone can file a communication. Even the Pope has a communication filed against him,” aniya.

-Genalyn Kabiling