Tatanggap ang mga magsasaka ng P20 bilyon subsidy mula sa panukalang rice tariffication.
Ito ang sinabi kahapon ng Chairman ng House Committee on Agriculture and Food. Ang P20 bilyon ay matatamo sa taunang taripa mula sa imported rice na magsa-subsidize sa mga magsasaka.
“Kapag naipasa ang rice tariffication bill na ito, marami tayong magagamot na problema. Una na rito ang ating commitment sa WTO (World Trade Organization). Pangalawa, mapapababa natin ang presyo ng bigas sa merkado at matutulungan natin ang ating magsasaka. Kaya lahat dito panalo sa rice tariffication bill na ito,” ayon kay Rep. Jose Panganiban, Jr. (Party-list, ANAC-IP), tagapangulo ng komite.
-Bert De Guzman