GINAPI ng Philippine U19 National Development Rugby Team, ang Hong Kong, 17-5, para makopo ang First Pacific Cup nitong weekend sa Southern Plains Sports Field sa Calamba, Laguna.

NAGDIWANG ang Philippine U19 National Development Team matapos makamit ang 2018 First Pacific Championship laban sa matikas na HongKong

NAGDIWANG ang Philippine U19 National Development Team matapos makamit ang 2018 First Pacific Championship laban sa matikas na HongKong

Kahanga-hanga ang Pinoy Junior Volcanoes sa araw ng pagdiriwang sa ‘Araw ng mga Bayani’, sa pangunguna nina winger John Michael Donina at Raphael Barberis ay nakaabante sa 5-0 tungo sa impresibong panalo.

“A very close match, so proud of the team for the win today, to win the first game on Friday, then win again today, very proud” pahayag ni National coach Carlito Abono.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Masa ikatlong taon ang serye at ang panalo ang una para sa Junior Volcanoes, ayon kay Jake Letts, Philippine Rugby’s General Manager.

“I have witness rugby in the Philippines for 13 years now, to see the development of Rugby and its rise locally is amazing. Credit goes to both teams and both Unions to focus on local development,” aniya.

“A solid start this year, very happy for our 15s program to record those statistics. It’s only just begun however, we have an intense 7s season coming up so we have our work cut out for us for the rest of the year” sambit naman ni Chris Everingham, Performance Manager for Philippine Rugby

Kumpiyansa ang Volcanoes para sa susunod na kampanya sa sia Sevens Series sa September at October kung saan kapawa mapapalaban ang Men’s team sa Hong Kong, habang ang Women’s ay tutungo sa Brunei.